Anti-child labor law inaarbor ng film outfit
ABANTE TONITE November 17, 2003
Kaalinsabay ng espekulasyong inaarbor ng isang higanteng film outfit,
hinikayat ng liderato ng Senado si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na lagdaan
ang anti-child labor law na nakabinbin sa tanggapan nito.
Mismong kaalyado ni Arroyo, sa pangunguna nina Senate President Franklin
Drilon at Sen. Robert Jaworski Sr. ang nakiusap sa Malaca�ang na madaliin ang
pag-apruba sa anti-child labor law na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng
Kongreso.
Anila, kung hindi lalagdaan ni Arroyo ang anti-child labor law, posibleng
lumakas ang espekulasyong hindi interesado ang kasalukuyang administrasyon na
puksain ang talamak as child labor sa Pilipinas. Labis namang ikinagulat ni
Drilon ang alegasyong may isang kilalang film company ang sikretong kumikilos
upang ma-veto ang naturang batas na pinagtibay ng Kongreso noong Oktubre 27. Sa
impormasyong nakalap ng TONITE, malaking kawalan umano sa kita at posibleng
makasuhan ang naturang kumpanya dahil karamihan sa mga alagang artista ay pawang
kabataan o menor de edad. (Rey Marfil)
|