Ang Pagmamahal sa ating kapwa ay nagsisimula sa ating mga kasambahay
T ayo ay pinagkalooban ng Panginoon Diyos ng mga Biyaya na dala ng Espiritu
Santo nanahan sa ating mga puso at diwa. Ang mga biyaya ito ay ang mga
sumusunod: ang Biyaya ng Karunungan, Takot sa Panginoon at pagmamaahal. Lahat ng
ito ay naayon sa kagustuhan ng Diyos upang tayo ay mananatiling maging isang
mabuting kristiyano.
Mga Kapatid, ang araw ito ay panahon ng Pentocostes. Ang pagpapaalala sa
lahat ng tao sa pagbaba ng Espiritu Santong nanahan sa bawat isa. Ninais na
buksan ang puso ng bawat isa sa atin upang tayo ay makatugon sa Diyos, maging
bukas sa pagsalubong ng Diyos sa atin.
Ang mga biyaya ng Espiritu Santo ang mismong nagpapaging-ganap sa
pang-araw-araw na buhay ng matataapat na kristiyano sa diwa ng misteryo ng
paskwal. Bilang mga tapat na kristiyano, tayo ay pinaalalahanan sa ating mga
gawa.
Pagkakait ng Pagmamahal sa ating Kapwa
Isa sa mga biyayang ito ang palaging nakakalimutan o naipagkakait ng
karamihan sa ating mga kapwa.
Nakakaalungkot isipin na marami pa rin sa ating mga kapatid na kristiyano ang
patuloy na di gumagawa ng mabuti sa kanyang kapwa. Bagkus lalu pa nitong
ginagamit ang mga biyaya sa kasamaan at pang-aapi sa kanyang kapwa.
Biblical Ground: Sinabi ko sa inyo: ng gawin ninyo ito
ay pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin niyo ginawa." (Mateo
25:40)
At ang madalas na tagubilin ng Diyos sa atin ay mahalin mo ang iyong kapwa
gaya ng pag-ibig mo sa akin.
Ang pagmamahal sa ating kapwa ay nagsisimula sa
ating mga katulong.
Marami pa rin sa atin ang pananaw sa ating mga katulong ay itinuturing pa rin
silang utusan at walang papel sa lipunan, di kinikilalal ang malaking papel sa
pag-unlad ng pamilya at ng lipunan.
Bihira ang kumikilalal at nagrerespeto sa dignidad ng ga katulong. Sino ba
ang mga katulong? Sila na gumagawa ng gawain sa bahay-silang na tinatawag nating
hardinero, baby sitters, driver, labandera, all around sa bahay. Sila na 24 hour
on call sa duty. Sila na itinuturing na mga utusana sa pamamahay ng kanyang
pinaglilingkuran.
Sila na ay maliit na sweldo, sila na madalas na
nakakaranas ng pang-aabuso ng amo tulad:
Pisikal na abuso, verbal na abuso, at sexual na pang-aabuso. Walang regular
na day-off, at parating nakatago sa bahay Walang seguridad sa tulugan;
Di pinapayagan umunlad ang sarili; Walang paghinga sa trabaho;
Sila ang mga natitiis ,mapawalay sa kanilang pamilya, sa mamabang sahod para
lamang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, makatulong sa kanilang pamilya.
Papel ng Katulong sa Pamilya, nagsisikap umanagat ang buhay.
Naging tanggap na ng ating lipunan ang mabilis na pagbabago ng kalagayan na
ang papel ng mga magulang na lalaki at babae ay dapat ng magtrabaho. Bunga na
rin ng kahirapan nararanasa ng karamihan at pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Sa
hirap ng buhay hindi maaaring isa lamang ang magtatrabaho upang makamit ang
pag-araw-araw na pangangailangan sa pamilya at magandang kinabukasan ng kanilang
mga anak.
At dito kung parehong nagtatrabaho parehong nagtatrabaho ang ag-asa,
nahihirapan silang balansehin ang pag-aaruga sa kanilang mga anak at pagsubaybay
nito. Nahihirapan din silang
gawin ang mga gawain nila sa kanilang mga tahanan, tulad ng paglalaba,
plantsa at pagluluto.
Papel ng Katulong
Sino ang maaari nilang sandalan? At dito marami ang nangangailangan ng
katulong. Taong gagawa gagawa ng lahat ng gawain sa bahay. Taong maninilbihan sa
lahat ng pangangailangan ng buong miyembro ng pamilya. Tulad ng pag-aalaga ng
bata, pagluluto, paglilinis ng bahay, paglalaba at pamamalantsa at iba pa.
Ang mga katulong na ating nautusan at nakakatulong. Sila na atin
nasasanadalan sa ating mga mga pangangailangan sa tahanan., Sila na pumapasan ng
lahat ng orap ng gawain sa bahay at pumapalit sa ating responsibilidad upang
tayo ay maging maginhawa, upang tayo ay makapagtrabaho sa labas ng tahanan. Sila
na 24 hours na on call kahit saan pwede mong utusan, na pilit kakayanin ang
lahat para lamang mapagsilbihan ang kanyang minamahal na amo. Silang mga
katulong pa ang nagbabahagi ng biyaya ng pagmamahal para sa pamilyang kanyang
pinaglilingkuran. Subali't ano ang ibinabahaging pagmamahal ng bawat isa sa
ating mga amo?
Biblical Ground: Pagmamahal at pagtulong sa dukha. Ang
larawang iniwan ni Jesu-Cristo sa atin ay isang imahen na laging tumutulong sa
mga dukha. Marapat lamang na ang pagmamahal at pagtulong sa mga dukha at
mahihina. Makikilala at tatanggapin ni Jesu-Cristo ang kanyang mga hinirang kung
tumutuling sila sa mga dukha. ( Mateo 25:31-46)
Katulong noon ang tawag, ngayon dapat na silang
kilalaning "kasambahay"
Ang ating mga katulong ay hindi natin alipin. Sila ay ating katuwang sa
gawain at trabaho sa ahay. Sila ang ating sandalan sa pangangailangan sa tahanan
at kaagapay sa ating pamilya. Kaya hindi dapat na sila ay kilalanin at irespeto
ilang KASAMBAHAY. Kasama sa bahay, katuwang sa pagpapaunlad ng pamilya at
tahanan. Katuwang sa pag-unlad ng pamilya at bayan. Hindi ka epektibong
makakagamapan ng iyong trabaho sa labas ng tahanan, kung wala kang kasambahay.
Iis ang ibig sabihin sa atin ng Diwa ng
Pentecostes
Ito'y pahalagahan ang mga biyaya ibinibigay sa atin ng Panginoon. Ang paggawa
ng mabuti at pagbabahagi ng pagmamahal sa ating kapwa. At simulan ito sa ating
mga KASAMBAHAY.
Tulad rin ng ating mga kasambahay, na natutong magmahal at maglingkod ng
tapat sa kanyang amo. Kahit na anong hirap, liit ng sweldo, mahabang oras ng
trabaho, walang hinangad kundi ang mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang
pinagsisilbihan.
Ang pagbabahagi ng pagmamahal sa ating mga kasambahay ay pagtupad sa nais ng
Diyos sa atin.
Biblical Ground: sinabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa
pinakahamak sa mga kapatid ong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa. " (Mateo 25:40)
Mahalin mo ang iyong kapwa, ng higit pa sa akin. ( Ikalawang utos ng Diyos)
Pagmamahal sa kapwa ay magsisimula sa ating
Kasambahay
- Maipapakita mo ang inyong tunay na pagmamahal sa kapwa o sa ating pagmamahal
kung magagawa ang mga ito�
- Ang pagbibigay sa kanilang panahon na regular na day-off upang sila ay
mabigyan din ng araw ng pahinga.
- Ang pagpaparehistro sa inyong mga kasambahay sa SSS at Philhealth. Bilang
bahagi na rin sa pagpatupad ng naaayon sa batas. Suporta sa buwanang pagbabayad
ng hulog nito. Ito's kaginhawaan din ng ating mga amo, sa panaon ng sakuna at
mga pagkakasakit ng kanilang mga kasambahay mayroon ng perang nakalaan para sa
kanila.
- Suportang pang-edukasyon para sa mga kasambahay na nais magtapos ng
pag-aaral. Lalu na ang mga batang kasambahay na kinakailangan payagan na sila
makabalik sa paaralan upang matuto at makapagunlad ng sariling kakayahan. At ito
ay naayon Din sa convention of the Rights f a Child, ang pagbibigay ng
pagkakataon sa mga bata na sila matuto at umunlad sa buhay.
- Ipadama sa kanila ang makatao pagtrato sa loob at labas ng pamamahay,
ituring kasama sa bahay at hndi alipin. Huwag saktan, ikulong abusuhin at
mura-murahin.
- Bigyan din ng batayang pangangailanagn, na ayon sa kakayahan ng mga amo.
Tiyakin na may angkop at malinis na tirahan, sapat na pagkain at libreng
pagpapagamot sa mga sakit kaugnay sa pagtatrabaho.
- Respetuhin ang pag-iisa( Privacy) ng bawat kasambahay sa kanyang pamamahinga
at personal na komunikasyon sa labas ng bahay na pinagtatrabahuan.
- Mabigyan din ng tamang seguridad, ang pagkakaroon ng kontrata sa
paglilingkod.
Panghuling Bahagi:
Aral Batangueno: Ang pamilyang Batangueno ay isang maliit ba
Sambayanang Kristiyano. At kabahagi ang Kasambahay sa bawat pamilya. Sa maliit
na sambayanan ng pamilya, sanay laging maghari ang pagmamahalan, paggalang,
pagpupunyagi at pagtutulungan; may pagsusunuran at pagkakaisa.
Huwag natin pabayaan na maghari ang kalungkutan sa ating tahanan. Huwag natin
ipakita at ituro sa ating mga anak ang maging di makatao pagkikipag-ugnayan sa
ating kapwa tulad ng ating kasambahay. Manapa'y ibigay natin ang nararapat
imahen na dapat makita at matutunan ng ating mga anak na maging huwaran na may
pagkilala at pagrespeto sa ating mga kasambahay. Upang lalo silang magpursigi sa
kanilang pagsilbi at paggawa ng tungkulin sa aming mapayapang tahanan.
Simulan natin ang maaari natin magawa, kung kayo ay mayroon mga kasambahay
ipadama niyo ang pagmamahal sa kanya. At kung mayroon pa kayong nais gawin at
hirap kayong gawin ito, Makipagugnayan lang sa Kasambahay Center na may telepono
980-3937 o magsadya sa kanilang opisina sa Basilica Compound.
|