Gawad Employers ng Kasambahay 2007
Inihahandog ng Visayan Forum Kasambahay Program ang kauna-unahang parangal sa mga modelong employers.
Natatangi siyang employer dahil sinasahuran niya nang sapat ang kanyang kasambahay at binibigyan ng regular na SSS at PhilHealth benefits, day off at tamang oras ng pahinga.
Suportado rin niya ang pag-aaral ng kanyang kasambahay,
gaya ng pagturing at pag-aaruga niya sa isang kapamilya.
Sa Disyembre 18, 2007, bibigyang-parangal ng Visayan Forum at ng mga partners nito ang 15 natatanging employers ng kasambahay na nagsasabuhay ng mga sumusunod na pamantayan:
- Makatarungan at disenteng kondisyon ng pagtatrabaho ng mga kasambahay
gaya ng:
· pagturing sa kasambahay bilang propesyunal at pagkilala sa kanya bilang kasama sa bahay
· pagbibigay ng mga sumusunod na benepisyo sa kasambahay:
o buwanan at disenteng suweldo
o anim o higit pang oras ng pahinga araw-araw at lingguhang day off
o bakasyon na may suweldo
o pagpapamiyembro sa SSS at PhilHealth
o at iba pang benepisyo
- Ginagalang ang mga batayang karapatan ng mga kasambahay
gaya ng:
· privacy
· pagsunod sa anumang relihiyon
· proteksyon laban sa pang-aabuso at exploytasyon
· pakikisangkot at pagiging miyembro ng anumang asosasyon
- Hinihikayat at sinusuportahan ang pagsisikap ng mga kasambahay para sa pansariling kaunlaran
gaya ng:
· pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral
· pagpapahusay ng kanilang kasanayan
· paghahanap ng ibang kabuhayan o karera
NOMINATION GUIDELINES
Ang sinumang employer, Pilipino man o banyaga, naninirahan sa Pilipinas, at nagsasabuhay ng mga pamantayang nabanggit ay maaaring maging nominado para sa parangal na ito.
(The nomination is open to any Filipino or foreign employer that resides in the country, and lives up to the expectation of an exemplary employer to domestic workers.)
Ang sinumang may kaanak o kakilalang employer ng isang kasambahay ay maaaring magpadala ng kanilang nominasyon. Kasama ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa nag-nominate at sa kanyang napiling natatanging employer [pangalan, tirahan, edad, nasyonalidad, contact details].
(Any relative or friend of a domestic worker can nominate the exemplary employer. Attached with the nomination, is the contact details of the nominee and the nominator).
Maaring ipadala ang nominasyon sa pinakamalapit na opisina o center ng Visayan Forum o sa pamamagitan ng email: [email protected]; [email protected]
(You may send your nomination forms to the nearest Visayan Forum Office or you may email it to [email protected]; publications@visayanforum.org)
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Visayan Forum:
(For more information, contact Visayan Forum)
Download Here: Nomination Forms
Bukas ang nominasyon hanggang Agosto 31, 2007.
Download Nomination Forms_Gawad Employer.rtf (size 221562)
|