![]() |
![]() |
|
|
Home / Press / Ang Pagmamahal sa ating kapwa ay nagsisimula sa ating mga kasambahay /Ang Pagmamahal sa ating kapwa ay nagsisimula sa ating mga kasambahayT ayo ay pinagkalooban ng Panginoon Diyos ng mga Biyaya na dala ng Espiritu Santo nanahan sa ating mga puso at diwa. Ang mga biyaya ito ay ang mga sumusunod: ang Biyaya ng Karunungan, Takot sa Panginoon at pagmamaahal. Lahat ng ito ay naayon sa kagustuhan ng Diyos upang tayo ay mananatiling maging isang mabuting kristiyano. Mga Kapatid, ang araw ito ay panahon ng Pentocostes. Ang pagpapaalala sa lahat ng tao sa pagbaba ng Espiritu Santong nanahan sa bawat isa. Ninais na buksan ang puso ng bawat isa sa atin upang tayo ay makatugon sa Diyos, maging bukas sa pagsalubong ng Diyos sa atin. Ang mga biyaya ng Espiritu Santo ang mismong nagpapaging-ganap sa pang-araw-araw na buhay ng matataapat na kristiyano sa diwa ng misteryo ng paskwal. Bilang mga tapat na kristiyano, tayo ay pinaalalahanan sa ating mga gawa.
Pagkakait ng Pagmamahal sa ating Kapwa Isa sa mga biyayang ito ang palaging nakakalimutan o naipagkakait ng karamihan sa ating mga kapwa. Nakakaalungkot isipin na marami pa rin sa ating mga kapatid na kristiyano ang patuloy na di gumagawa ng mabuti sa kanyang kapwa. Bagkus lalu pa nitong ginagamit ang mga biyaya sa kasamaan at pang-aapi sa kanyang kapwa. Biblical Ground: Sinabi ko sa inyo: ng gawin ninyo ito ay pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin niyo ginawa." (Mateo 25:40) At ang madalas na tagubilin ng Diyos sa atin ay mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa akin.
Ang pagmamahal sa ating kapwa ay nagsisimula sa ating mga katulong. Marami pa rin sa atin ang pananaw sa ating mga katulong ay itinuturing pa rin silang utusan at walang papel sa lipunan, di kinikilalal ang malaking papel sa pag-unlad ng pamilya at ng lipunan. Bihira ang kumikilalal at nagrerespeto sa dignidad ng ga katulong. Sino ba ang mga katulong? Sila na gumagawa ng gawain sa bahay-silang na tinatawag nating hardinero, baby sitters, driver, labandera, all around sa bahay. Sila na 24 hour on call sa duty. Sila na itinuturing na mga utusana sa pamamahay ng kanyang pinaglilingkuran.
Sila na ay maliit na sweldo, sila na madalas na nakakaranas ng pang-aabuso ng amo tulad: Pisikal na abuso, verbal na abuso, at sexual na pang-aabuso. Walang regular na day-off, at parating nakatago sa bahay Walang seguridad sa tulugan; Di pinapayagan umunlad ang sarili; Walang paghinga sa trabaho; Sila ang mga natitiis ,mapawalay sa kanilang pamilya, sa mamabang sahod para lamang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, makatulong sa kanilang pamilya. Papel ng Katulong sa Pamilya, nagsisikap umanagat ang buhay. Naging tanggap na ng ating lipunan ang mabilis na pagbabago ng kalagayan na ang papel ng mga magulang na lalaki at babae ay dapat ng magtrabaho. Bunga na rin ng kahirapan nararanasa ng karamihan at pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Sa hirap ng buhay hindi maaaring isa lamang ang magtatrabaho upang makamit ang pag-araw-araw na pangangailangan sa pamilya at magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. At dito kung parehong nagtatrabaho parehong nagtatrabaho ang ag-asa, nahihirapan silang balansehin ang pag-aaruga sa kanilang mga anak at pagsubaybay nito. Nahihirapan din silang gawin ang mga gawain nila sa kanilang mga tahanan, tulad ng paglalaba, plantsa at pagluluto.
Sino ang maaari nilang sandalan? At dito marami ang nangangailangan ng katulong. Taong gagawa gagawa ng lahat ng gawain sa bahay. Taong maninilbihan sa lahat ng pangangailangan ng buong miyembro ng pamilya. Tulad ng pag-aalaga ng bata, pagluluto, paglilinis ng bahay, paglalaba at pamamalantsa at iba pa. Ang mga katulong na ating nautusan at nakakatulong. Sila na atin nasasanadalan sa ating mga mga pangangailangan sa tahanan., Sila na pumapasan ng lahat ng orap ng gawain sa bahay at pumapalit sa ating responsibilidad upang tayo ay maging maginhawa, upang tayo ay makapagtrabaho sa labas ng tahanan. Sila na 24 hours na on call kahit saan pwede mong utusan, na pilit kakayanin ang lahat para lamang mapagsilbihan ang kanyang minamahal na amo. Silang mga katulong pa ang nagbabahagi ng biyaya ng pagmamahal para sa pamilyang kanyang pinaglilingkuran. Subali't ano ang ibinabahaging pagmamahal ng bawat isa sa ating mga amo? Biblical Ground: Pagmamahal at pagtulong sa dukha. Ang larawang iniwan ni Jesu-Cristo sa atin ay isang imahen na laging tumutulong sa mga dukha. Marapat lamang na ang pagmamahal at pagtulong sa mga dukha at mahihina. Makikilala at tatanggapin ni Jesu-Cristo ang kanyang mga hinirang kung tumutuling sila sa mga dukha. ( Mateo 25:31-46)
Katulong noon ang tawag, ngayon dapat na silang kilalaning "kasambahay" Ang ating mga katulong ay hindi natin alipin. Sila ay ating katuwang sa gawain at trabaho sa ahay. Sila ang ating sandalan sa pangangailangan sa tahanan at kaagapay sa ating pamilya. Kaya hindi dapat na sila ay kilalanin at irespeto ilang KASAMBAHAY. Kasama sa bahay, katuwang sa pagpapaunlad ng pamilya at tahanan. Katuwang sa pag-unlad ng pamilya at bayan. Hindi ka epektibong makakagamapan ng iyong trabaho sa labas ng tahanan, kung wala kang kasambahay.
Iis ang ibig sabihin sa atin ng Diwa ng Pentecostes Ito'y pahalagahan ang mga biyaya ibinibigay sa atin ng Panginoon. Ang paggawa ng mabuti at pagbabahagi ng pagmamahal sa ating kapwa. At simulan ito sa ating mga KASAMBAHAY. Tulad rin ng ating mga kasambahay, na natutong magmahal at maglingkod ng tapat sa kanyang amo. Kahit na anong hirap, liit ng sweldo, mahabang oras ng trabaho, walang hinangad kundi ang mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang pinagsisilbihan. Ang pagbabahagi ng pagmamahal sa ating mga kasambahay ay pagtupad sa nais ng Diyos sa atin. Biblical Ground: sinabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid ong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa. " (Mateo 25:40) Mahalin mo ang iyong kapwa, ng higit pa sa akin. ( Ikalawang utos ng Diyos)
Pagmamahal sa kapwa ay magsisimula sa ating Kasambahay
Aral Batangueno: Ang pamilyang Batangueno ay isang maliit ba Sambayanang Kristiyano. At kabahagi ang Kasambahay sa bawat pamilya. Sa maliit na sambayanan ng pamilya, sanay laging maghari ang pagmamahalan, paggalang, pagpupunyagi at pagtutulungan; may pagsusunuran at pagkakaisa. Huwag natin pabayaan na maghari ang kalungkutan sa ating tahanan. Huwag natin ipakita at ituro sa ating mga anak ang maging di makatao pagkikipag-ugnayan sa ating kapwa tulad ng ating kasambahay. Manapa'y ibigay natin ang nararapat imahen na dapat makita at matutunan ng ating mga anak na maging huwaran na may pagkilala at pagrespeto sa ating mga kasambahay. Upang lalo silang magpursigi sa kanilang pagsilbi at paggawa ng tungkulin sa aming mapayapang tahanan. Simulan natin ang maaari natin magawa, kung kayo ay mayroon mga kasambahay ipadama niyo ang pagmamahal sa kanya. At kung mayroon pa kayong nais gawin at hirap kayong gawin ito, Makipagugnayan lang sa Kasambahay Center na may telepono 980-3937 o magsadya sa kanilang opisina sa Basilica Compound. |
|
|
|||||||||||||||||||||||
|
©2008 Visayan Forum. All rights reserved. |
|||||||||||||||||||||||||||