Home   |   About the Visayan Forum   |   Contact Us   |   Partners      
 
DHTML Menu by Milonic
 
Donate Online Now!
 
Main Office

No 18, 12th Avenue
Brgy. Socorro, Murphy, Cubao
1109 Quezon City, Philippines
Tel: (632)709-0711 /
(632)709-0573
Fax: (632)421-9423
Email: [email protected]

 
CALENDAR

May: Children's Art Camp and MATA Formation
May 21-21: Mindanao Consultation on Anti-Trafficking Prevention and Advocacy
Ma 28: Launching of Center of Hope
June 6-15: ILC Discussions on Domestic Work Convention
June 16: Presentation of Causes and Manifestation of Domestic Work at the UNCHR
June 15: World Day Against Child Labor
June 15: Para-Legal Training for Manila North Harbor Task Force
June 22: NCR Consultation with Transport Groups 
June 29-30: NAIA Training on Airport Guidelines

Home / Press / Mga Batang Kasambahay, Balik na sa paaralan! /

Mga Batang Kasambahay, Balik na sa paaralan!

Matapos ang ilang buwan kampanya ng Batang Kasambahay, Balik Eskwela Tungo sa Magandang Kinabukasan na pinangunahan ni Msgr. Boy Oriondo, Parish Priest ng Basilica Immaculate Conception Parish, ng SUMAPI at Visayan Forum - Kasambahay Center Batangas sa pakikipatulungan ng mga miyembro ng Batangas Partners on Child Domestic Workers Batangas.

Balik na sa paaralan ang may higit sa 110 mga bata at kabataang kasambahay o madalas tawagin natin yaya, katulong. Ito ang naging isang konkretong pagtugon ng mga responsableng employer sa lugar ng Batangas City.

Buwan ng Mayo, 2003 ng sinimulan ang kampanya na maipaalam at maipaunawa sa mga Batangenueo employers ang halaga na makabalik ang mga bata at kabataang kasambahay na makapag-aral bilang bahagi ng kanilang mga karapatan at upang maging epektibong makapaglingkod sa pamilya ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Aktibo sumuporta sa panawagan ang tatlong parokya sa lugar ng Batangas City mula sa Basilica Immaculate Conception Parish, St. Euprasia Parish, at Sta.Rita Parish sa pagbibigay ng homiliya at patalastas bago matapos ang misa sa kalagayan at isyu ng mga kasambahay at ang panawagan na makabalik sa paaralan ang mga batang kasambahay.

Kasabay ng inisyatiba ng mga taong simbahan, naglunsad din ang ibang miyembro ng Batangas Partners on Child Domestic Workers sa pagbisita sa mga stasyon ng telebisyon at radio upang talakayin ang isyu ng kasambahay at ang panawagang Batang kasambahay, balik eskwela.

Malaki ang itinaas na bilang ng mga bata at kabataang kasambahay ang nakabalik sa paaralan. Ayon sa kabuuang bilang na mga bata at kabataang kasambahay na nakalap ng Visayan Forum - Kasambhay Center para sa taong 2003 ng may bilang na 60 batang kasambahay na nag-aaral sa Batangas National High School, 60 batang kasambahay sa University of Batangas at 57 na mga kabataang kasambahay naman sa St. Bridget College, marami pang bilang ang di pa naitatala sa paaralan ng Golden Gate College, Lyceum at sa Batangas State University.

May bukas na pintuan din sa mga batang kasambahay na di makapag-aral ibinibigay na serbisyo ng Visayan Forum - Kasambahay Center sa may Basilica Compound Batangas City sa pakikipagtulungan ng TESDA at ng Basilica Immaculate Conception Parish para sa alternatibong kurso "Food Service Mangement and Good House Keeping ". Isang libreng pagsasanay ang inihandog para sa mga bata at kabataang kasambahay.

Munting handog pang-edukasyon, tinanggap ng batang kasambahay!

Pinangunahan ng Visayan Forum - Kasambahay Batangas at ni Msgr. Rafael "Boy" Oriondo, Parish Priest ng Basilica Immaculate Conception Parish kasama pa ng ibang miyembro ng Batangas Partners on Child Domestic Workers Batangas na kinakatawan na sina Mrs. Sofia Arce, Assistance Principal ng University of Batangas, Mr. Peter Resplendor, Evening Class Coordinator, Batangas National High School, Mrs. Dominique Gutierrez, Professor ng Batangas State of University, Mr. Sam Españiola, Officer of Public Information Officer, Mrs. Ester Real, Officer Supervisor of Department of Education & Culture - Non Formal Education, Batangas, Mr. Ed Medrano, Food Service Management Consultant of TESDA, para sa pagbibigay ng Munting Handog Pang-edukasyon para sa mga Bata at Kabataang Kasambahay na naglalaman ng mga school supplies, at pera bilang tulong sa pag-aaral. Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na kampanya ng Batang Kasambahay Balik Eskwela, Tungo sa Magandang Kinabukasan.

May higit na 100 bata at kabataang kasambahay ang mga nagsidalo sa nasabing aktibidad na ginanap noong Hulyo 4, 2003 bandang alas 4:00 ng hapon sa Basilica Gym, Basilica Immaculate Conception Parish.

Ipinahayag ni Pio Sanchez 12 anyos batang kasambahay nag aaral sa Batangas National High School ang kanyang lubos na katuwaan at pasasalamat kina Msgr. Boy Oriondo, sa Visayan Forum Kasambahay Staffs, sa UNICEF, sa Batangas partners at sa lahat ng mga dumalo at tumulong sa pagbibigay ng regalo ng mga bata. Hiniling niya sa kanyang kapwa batang kasambahay na pahalagahan ang mga regalo ibinigay at huwag magpabaya sa pag-aaral. Ipinangako din ni Pio na tatapusin niya ang kanyang pag-aaral. At nanawagan din siya sa mga iba pang employer na suportahan ang mga batang kasambahay na sila ay mabigyan din ng pagkakataon makapag-aral.

Survey
What should the Philippine Government do to lift itself from Tier 2 status watchlist?
Prosecute more forced labor trafficking cases
Improve transparency of corruption cases
Do more prevention work with private sector
Improve coordination mechanisms
Protest why it is relegated to Tier 2 watchlist
 
Follow us on the web!
 YouTube homeYouTube homeYouTube homeYouTube homeYouTube home    
 
Featured Publications
 
Support our campaigns!
Join the War Against Human Trafficking MTV Concerts updates

 

Pass the Magna Carta for Domestic Workers Now! Ipasa na ang Batas Kasambahay!  

 

 

 

©2008 Visayan Forum. All rights reserved.