![]() |
|
|
Home / Press / Tama na ang mga Pangako para sa mga Kabataan! /Tama na ang mga Pangako para sa mga Kabataan!Mayo 8, ala-6 n.g., Remedios Circle, Manila
|
Ilulunsad ng Global March Against Child Labor, Our Lady of Remedies Parish at ng UNICEF and pagbabantay kaugnay sa pandaigdigang pagkilos at pakikiisa sa mga banal na pangako para sa mga kabataan isang dosenang taong nakalipas noong 1990 World Summit for Children at pagkatapos lagdahan ang UN Convention on the Rights of the Child. Sa kabila ng pagyaman ng pandaigdigang ekonomiya sa laking isang trilyong dolyar taon-taon, karamihan sa mga pangako noon ang hindi di pa rin natutupad. Mahigit 800 milyong mga kabataan ang patuloy na inaabuso bilang batang mangagawa, pinagkakaitan ng batayang edukasyon, nagdurusa araw-araw sa diskriminasyon at salat sa serbiyong medical, at nakalugmok sa mga pang-aabusong pisikal, sekswal at sikolohikal. Layon ng mga delegasyon sa UNGASS ang panibagong pagtalaga ng mga stratehikong solusyon para sa susunod na dekada pagkatapos repasuhin ang progreso at mga balakid sa pakikibaka para sa mga kabataan sa nakaraang sampung taon. Ang special session na ito ay naiiba dahil sa pakikilahok ng pinakamalaking delegasyon ng mga kabataan mula sa iba't ibang bansa upang ipahayag ang kanilang pang-araw na pakikibaka sa buhay. May malawakang pagtingin na marami sa mga pangakong ginawa sa naunang Deklarasyon ay nananatiling nakapako. Sa gayon, ang Global March Against Child Labor ay sumusuporta sa pagbalangkas ng panibagong Plataporma na nananawagan sa mga pamahalaang upang:
Pag-ibayuhin natin ang kilusan para sa kapakanan ng mga bata. Kumilos na tayo ngayon!
|
|
|
|
©2008 Visayan Forum. All rights reserved. |
| ||||||||||||||||||||||||||