Home   |   About the Visayan Forum   |   Contact Us   |   Partners      
 
DHTML Menu by Milonic
 
Donate Online Now!
 
Main Office

No 18, 12th Avenue
Brgy. Socorro, Murphy, Cubao
1109 Quezon City, Philippines
Tel: (632)709-0711 /
(632)709-0573
Fax: (632)421-9423
Email: [email protected]

 
CALENDAR

May: Children's Art Camp and MATA Formation
May 21-21: Mindanao Consultation on Anti-Trafficking Prevention and Advocacy
Ma 28: Launching of Center of Hope
June 6-15: ILC Discussions on Domestic Work Convention
June 16: Presentation of Causes and Manifestation of Domestic Work at the UNCHR
June 15: World Day Against Child Labor
June 15: Para-Legal Training for Manila North Harbor Task Force
June 22: NCR Consultation with Transport Groups 
June 29-30: NAIA Training on Airport Guidelines

Home / Press / Durugin ang ugat ng kahirapan, kawalan ng edukasyon: hamon ng mga batang manggagawa kay Gloria /

Durugin ang ugat ng kahirapan, kawalan ng edukasyon: hamon ng mga batang manggagawa kay Gloria

Ang Pangulong Gloria Makapagal-Arroyo ay hinamon kahapon na gawing tumpak at tugma sa natatanging pangangailangan ng mga batang manggagawa ang dekalidad na edukasyon, sa abot-kaya nila, at ihain ang Anti-Child Labor Act o SB 1530 bilang priority bill sa Senado.

Pinangunahan ng bagong DSWD Secretary Dinky Soliman ang mahigit 3,000 batang maggagawa at lideres ng civil society ang patuloy na pagmartsa mula pag-aabuso tungo sa edukasyon sa ika-3 anibersaryo ng Global March Against Child Labor sa Quezon Memorial Circle.

Inaasahan din ng grupo na makapanayam ang presidente sa lalong madaling panahon.
(Arrangements are still being made as of press time.)

Umapela sila kay Arroyo, na dati ring DSWD chief sa nakaraang administrasyon, na bigyang pansin and kapakanan ng mahigit 3.7 milyong Pilipinong batang manggagawa "para tunay na malunasan ang sariwang hidwaan ng bayan."

"Kung patuloy silang maghintay, araw-araw nasa panganib at nagdurusa, malabong malunasan ang mas malalim pang sugat ng di pagkakapantay-pantay ng ating lipunan," ayon sa bukas na liham ng Global March kay Arroyo.

Dagdag nito: "Ang child labor o ang mapagsamantalang patrabaho sa mga bata ay isa sa mga lantarang at karumaldumal na uri ng pang-aabuso sa mga batang Pilipino. Patuloy silang dumarami dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng kanilang mga magulang. Sa murang isip sinasakripisyo nila ang pag-aaral makapangtawid gutom lamang. Sadyang lumilisan malayo sa pamilya upang makipagsapalarang magtrabaho. Subalit, sa isang lipunang bumabangon muli sa krisis pang-ekonomiya, ang child labor ay hindi nangangahulugang dagdag na trabaho para sa mga mamamayan. Ang child labor ay ang patuloy na pag-ikot ng tiwaling gulong ng kahirapan at kawalan ng oportunidad ng mapalayang pagkabata.

"Malaki ang aming paniwala na gabay sa pambansang daan tungo sa healing at stability ang malalim na pagrespeto sa masaklaw at lehitimong People's Agenda, kasama ang patuloy na paglansag ng child labor, lalung-lalu na ang pinakabusabos na mga uri nito," wakas nito.

May 3.7 milyong batang manggagawa sa ating bansa ngayon, mahigit 2.2 ang nasa mapanganib na klase ng trabaho.

Nilagdaan ng Pilipinas ang International Labor Organization (ILO) Convention No. 182 noong isang taon, na nagtatakda ng madaliang pagkilos laban sa mga pinakamamalang uri ng child labor. Kabilang na dito ang pang-aalipin, illegal recruitment, sapilitang pagsundalo, at mga trabahong nakapipinsala sa kalusugan, kagalingan at moralida ng mga kabataan.

Survey
What should the Philippine Government do to lift itself from Tier 2 status watchlist?
Prosecute more forced labor trafficking cases
Improve transparency of corruption cases
Do more prevention work with private sector
Improve coordination mechanisms
Protest why it is relegated to Tier 2 watchlist
 
Follow us on the web!
 YouTube homeYouTube homeYouTube homeYouTube homeYouTube home    
 
Featured Publications
 
Support our campaigns!
Join the War Against Human Trafficking MTV Concerts updates

 

Pass the Magna Carta for Domestic Workers Now! Ipasa na ang Batas Kasambahay!  

 

 

 

©2008 Visayan Forum. All rights reserved.