![]() |
|
|
Home / Press / Anti-child labor law lagdaan na! /Anti-child labor law lagdaan na!PILIPINO STAR NGAYON Upang mawala ang hinala na binibigyan ng proteksiyon ang isang malaking film outfit, hinikayat kahapon ni Senate President Franklin Drilon si Pangulong Arroyo na lagdaan na nito ang anti-child labor law na nakabibin pa rin sa Kongreso. Sinabi ni Sen. Drilon, ang paglagda ni Pangulong Arroyo sa anti-child labor bill ay magbubura ng impresyon na kaya ayaw nitong lagdaan ang nasabing panukalang batas ay dahil na rin sa pagla-lobby ng isang malaking film outfit na maraming alagang batang artista. Ayon kay Drilon, sa sandaling lagdaan ni GMA ang nasabing batas ay maipapakita nito na prayoridad ng Pangulo ang pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga kabataan mula sa child labor at exploitation. Anya, ,kung hindi lalagdaan ng Pangulo ang anti-child labor law, posibleng lumakas ang espekulasyon na hindi interesado ang kasalukuyang administrasyon na puksain ang talamak na child labor sa bansa. |
|
|
|||||||||||||||||||||||
|
©2008 Visayan Forum. All rights reserved. |
|||||||||||||||||||||||||||