Ilulunsad ng Global March Against Child Labor, Our Lady of Remedies
Parish at ng UNICEF and pagbabantay kaugnay sa pandaigdigang pagkilos at pakikiisa
sa mga banal na pangako para sa mga kabataan isang dosenang taong nakalipas noong
1990 World Summit for Children at pagkatapos lagdahan ang UN Convention on the
Rights of the Child. Sa kabila ng pagyaman ng pandaigdigang ekonomiya sa laking
isang trilyong dolyar taon-taon, karamihan sa mga pangako noon ang hindi di pa
rin natutupad. Mahigit 800 milyong mga kabataan ang patuloy na inaabuso bilang
batang mangagawa, pinagkakaitan ng batayang edukasyon, nagdurusa araw-araw sa
diskriminasyon at salat sa serbiyong medical, at nakalugmok sa mga pang-aabusong
pisikal, sekswal at sikolohikal. Layon ng mga delegasyon sa UNGASS ang panibagong
pagtalaga ng mga stratehikong solusyon para sa susunod na dekada pagkatapos repasuhin
ang progreso at mga balakid sa pakikibaka para sa mga kabataan sa nakaraang sampung
taon. Ang special session na ito ay naiiba dahil sa pakikilahok ng pinakamalaking
delegasyon ng mga kabataan mula sa iba't ibang bansa upang ipahayag ang kanilang
pang-araw na pakikibaka sa buhay. May malawakang pagtingin na marami sa mga
pangakong ginawa sa naunang Deklarasyon ay nananatiling nakapako. Sa gayon, ang
Global March Against Child Labor ay sumusuporta sa pagbalangkas ng panibagong
Plataporma na nananawagan sa mga pamahalaang upang: - Ilunsad ang pambansang
aksyon para sa mga batang manggagawa
- Palaganapin ang libre at abot-kayang
dekalidad na edukasyon. Kaakibat nito ang pagtanggal ng mga "user fees" sa mga
paaralan
- Siguruhin ang libre at dekalidad na healthcare para sa bawat bata
- Ihinto ang racism at diskriminasyon laban sa mga anak ng cultural minorities
- Protektahan ang mga batang ipit sa giyera
- Protektahan ang mga bata't kapamilya
nila laban sa AIDS
- Gawing prioridad ang kapakanan ng mga bata sa pambansa
at local na badyet
- Magtalaga ng di bababa sa 0.1% ng GNP ang mga mayayamang
bansa kabahagi ng official development assistance sa ngalan ng kabataan sa mga
mahihirap na bansa
- Pakinggan at respetuhin ang boses at partisipasyon ng mga
kabataan
Pag-ibayuhin natin ang kilusan para sa kapakanan ng mga bata.
Kumilos na tayo ngayon! Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa: Visayan
Forum Foundation, 2873 Lamayan Street, Sta. Ana, Manila, Tel 5637821, 5627120
Fax 563-4514 at e-mail: [email protected].
Back to Main |